if you love someone, you must accept everything about them, even their faults and weaknesses.. :))
LOVE?
i don't think i'll ever understand that.
(una sa lahat. kasi, wala akong LOVE LiFE. haha. LOL)
but why don't we talk about this?
baka sakaling may mahumaling sa blog ko.
knowing, LOVE makes the world go round. at pati utak nga mga tao, wala ng ibang alam kundi LOVE. XD
between ME and LOVE, ika nga nila, there's no love lost between. kasi, there is mutual dislike between the 2. :)
nagsimula akong umayaw sa love kasi pasakit lang naman ang dulot nyan.
and one more thing, sisirain lang nyan ang buhay ko sa NGAYON.
how about others' lovelives?
is it good or something lour?
:)
let us discuss all that is LOVE.
love sa magulang.
love sa pet.
love sa career.
love sa friends.
at higit sa lahat..
oh. oo na. un na. LOVE SA BOYFRiEND/GiRLFRiEND.
(wag kang masyadong magtaka kung bakit walang LOVE sa asawa. do you think may alam ako dun?back off. :])
at wag naman sana nating kalimutan, ang LOVE for GOD. :)
URi NG LOVE #1:
LOVE SA/NG MAGULANG
syempre. lahat naman siguro, alam ang ganitong uri ng love. lahat naman kasi tayo may magulang.
but what is the difference of this love sa lahat ng uri ng love?
isa sa mga commandments ni God ay "thou shall love thy mother and thy father". this is not something new. and once we failed to follow this commandment, ay talaga naman. katakot-takot na future ang bonggang-bongga mong haharapin.
parents never failed to show their love and cares for us.
nagtataka nga ko everytime i'm hearing news about parents killing their children, parents physically abusing their child, a father sexually abusing his daughter (sometimes, even his son..) or anything that conflicts with my last statement.
let's just think ganian sila magmahala ng anak (weird??)
but MOST parents do take the side of the angels.
after giving birth, all through their lives, puro hirap na ang dadanasin nila.
puyat.
pagod.
kunsumisyon.
karumal-dumal na gastos.
pero higit sa lahat,
SAYA.
minsan pa nga, "isusubo na lang nila ang pagkain, iaalay pa nila sayo.."
yung tipong, pag nag-mall kayo.. ibibili nila ang lahat sa'yo kahit maubos na ang yaman nio, without you knowing na "walang para sa kanila.."
at ikaw?
of course. masaya.
syempre.
bagong shoes, bagong damit.
bagong gadgets,
bagong toy?
bagong accessories..
bagong phone!
samantalang si ama/ina,
nagtitiis sa tsinelas na rambo,
sa duster na mukha nang basahan,
sa shorts na butas,
sa underwear na tinatali na lang ng straw sa sobrang luwang,
sa cellphone na de-GOMA,
maswerte pa kung may matinong accessories na gawa sa buto ng pakwan, atis, atbp.
at SA'YO. :)
but besides all these,
di naman sila nanunumbat.
in fact, masaya silang makita kang masaya.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
now. how can we show our love for our parents naman?
simply, some may say, MAG-AARAL akong mabuti.
GAGA.
ganian lang?
edi ang dali pa lang magmahal ng magulang.
isa na yan. pero hindi lang dapat yan.
kunwari ka pa, in near future ikaw din magbebenefit dyan.
si ina, nanganak, nagpagatas, nagbuhat sa'yo nang pagkatagal-tagal. nagpuyat!
si ama, nag-overtime sa trabaho. lumalabas ng hatinggabi maibili ka lang ng gamot sa pagtatae.
tapos ikaw.
MAG-AARAL lang?
sus.
idagdag mo naman ang pagsunod sa mga utos nila.
tumulong ka sa mga gawaing bahay.
pag nagkasakit sila, arugain mo.
pag nakita mong pagod na sila sa ginagawa nila, TAKE THE WORK! hindi yung bumibilib ka pa dyan na "shit. si mama pagod na pero nagtatrabaho pa rin. WONDERWOMAN!"
baliw.
siguro 'di ko mahal magulang ko.
nag-aaral lang kasi akong mabuti.
pero sisikapin ko namang gawin lahat ng binanggit ko.
wag kayong mag-alala.
basta.
sundin nyo lang ang utos ng Dyos.
mahalin si ama at ina.
igalang.
at pahalagahan.
Ü
URi NG LOVE #2:
LOVE SA PET
alam nio ung kantang BEN?
isa yan sa mga kantang may matinong VALUE.
si ben na daga. at si micheal jackson na tao.
MAGKAiBiGAN.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
isa lang ang pet namin dito sa bahay.
si TOLPU lang.
(baligtarin mo ang pantig. PUTOL. putol kasi ang buntot nia. Ü)
aso sya.
kumakahol gaya ng ibang aso.
nagwawala kapag hinagisan ng pagkain. EXCiTED.
mabilis tumakbo.
pero abnormal ang buntot.
pero kahit ganun, mahal ko ang asong yun.
may pet ka ba?
mahal mo ba sya?
kasi kung hindi.
hindi mo sya PET. simpleng HAYOP lang sya na nasa bahay nyo.
ayon kasi kay pareng Webster, a pet is a tamed animal kept for COMPANiONSHiP or pleasure; treated with special favour.
kaya kung di mo pinahahalagahan ang pet mo, hindi sya PET after all.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
wag mo lang basta aasahan ang aso mo na kumahol pag may magnanakaw.
wag mo lang aasahan na mag-anak ng mag-anak si muning ng kyut na kuting.
ang rabit mo, wag mo lang asahan na uubos ng mga ligaw na damo sa bahay nio.
si taro parrot, wag mo lang asahan na sasabihan ka ng MAGANDA/GWAPO pagkatapos mong ituro ang nag-iisang salitang yan sa loob ng isang buwan para ma-perfect nya.
wag mo lang aasahan na ang love birds mo ay magmake love sa loob ng hawla.
ang gold fish mo, hindi nasasanla.
PAKAiNiN mo naman sila nang magtagal.
alagaan mo.
dalhin sa veterinarian regularly.
kausapin mo.
di baleng magmukhang baliw.
at least,
mahal mo ang PET mo.
XD
URi NG LOVE #3:
LOVE sa CAREER
hindi ka daw magiging successful sa isang propesyon kung hindi mo mamahalin ang trabaho mo.
ito ang sentro ng pangatlong uri ng LOVE.
LOVE for your CAREER.
hindi na nakakapanibago ang mga eksena na karumal-dumal.
nagbangayan pa ba kayo ng nanay mo kasi gusto nyang maging doktor ka,
samantalang bobo ka naman sa biology.
at ang gusto mo,
COSMETiCS?
nagbugbugan pa ba kayo ng tatay mo,
dahil gusto nyang maging architect ka
kahit na ang straight line sayo ay spiral?
at nung bata ka ay tamad na tamad kang magdrawing ng slanting lines,
dahil,
mukhang zigzag?
samantalang ang gusto mo,
IT?
hindi na nga bago yan.
kaya wag ka nang ma-bitter dyan.
iexplain mo na lang sakanila,
na hindi ka masaya sa gusto nila.
kaya kahit matapos mo pa ang mga kursong yan,
hindi ka naman magiging successful kasi hindi ka masaya.
mas ok nang masaya ka kahit walang ganung pera,
at least,
ang saya,
kapag namatay ka,
mababakas sa mukha mo.
eh ang pera?
hindi ka naman magmumukhang mayaman.
kamukha ka pa rin ng ibang bangkay.
wala namang makikitang PESO SiGN sa mukha mo.
at lalong nakakairita naman kung ang barong mo gawa sa pera.
pag masaya ka,
may justice ang pagkamatay mo.
pag mapera ka,
mag-aaway-away pa ang mga kamag-anak mo kung kaninong mana mapupunta ang pera mo.
diba?
hindi naman pag-aagawan ng mga anak mo ang ngiti mo.
SA'YO na yun.
at least,
WALANG GULO.
kaya kung ako sa'yo,
magtungo ka sa landas kung saan ka masaya.
wag kang magpapadikta sa iba.
hindi ka naman puppet para pagalawin nila.
at ang puppet,
puppet lang.
walang pag-asang gumalaw para sa sarili nya.
URi NG LOVE #4:
LOVE sa FRiENDS
"The death of a friend is equivalent to the loss of a limb."
- German Proverb
a friend is a wall that you can lean on.
pero di naman lagi.
nagkakataon na ang time eh conflicting.
minsan, they fail to be walls and you can't lean on them.
but does it already follow that HiNDi NA SiLA GOOD FRiENDS?
kinda.
maybe yes, maybe no.
naniniwala pa rin naman akong IF THERE's a WiLL, THERE's always a way.
kaya nasa kanila na kung anong kaya nilang gawin sa'yo bilang KAiBiGAN nila.
anu-ano nga bang mayroon sa tunay na kaibigan?
iba-iba.
may mga tahimik lang, pero good listeners.
marami kasi, mahilig magkwento ng mga bitterness-kasiyahan-kalungkutan-ka'emohan ng buhay nila, pero hindi naman sila marunong makinig kapag ikaw na ang may balak magkwento.
meron naman mga maingay, pero magaling naman mag-advice.
aminin man kasi o hindi, ang iba, TRASHTALKERS.
walang masabing matino,
samantalang ikaw, effort kaka-advice sa problema nila.
at ang mga GOOD FRiENDS,
walang laglagan.
just beacause you're doing not-so-good things
doesn't mean pwede ka na nilang ilaglag.
hindi ganun yun.
kaya nga may friends in GOOD and in BAD.
basta.
para sakin.
mataas dapat ang pagpapahalaga sa kaibigan,
bago mo masabing mahal mo ang kaibigan mo.
I LOVE MY FRiENDS is easier said than done, but better done than being said. :)
URi NG LOVE #5:
ANG WALANG KAMATAYANG LOVE FOR YOUR GiRLFRiEND/BOYFRiEND
well.
well.
haha. LOL.
wala ako nito.
pero may experience.
HANEP.
let's start.
hindi ko alam kailan nauso ang ganitong relasyon sa high school.
lagi kasing pinagyayabang ng mga magulang ko na
"noong kapanahunan nila, tinataga ng mga magulang nila ang makikipagrelasyon ng maaga.."
kaya unknown kung sino ang nagpauso nito.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Life without love
is like the sky without sun
-diba mas masaya nga pag walang sun?hindi mainit. :)
-------------------------------------------------------------------------------------------------
sa high school, napaka in-demand ng usaping tungkol dito.
kilig to the bones ang mga naglalandiang nilalang.
(parang ako dati. **di ko naman dinedeny Ü)
nakakahumaling kasi ang usaping ito.
at pag ikaw na mismo ang nagkaroon ng short-time relationship.
aba-aba.
araw-araw ka nang makakaranas ng paranoia.
oo.
yun ang sinasabi nilang hindi makatulog.
hindi makakain.
hindi makapag-aral ng maayos.
hindi makapag-enjoy maliban na lang kung si CENTER OF YOUR LiFE ang kasama.
oo. PARANOIA.
dumadating sa point na
hindi mo kayang hindi sya kasama.
at pag kasama mo naman, ayaw mo na ring humiwalay.
hinihiling mo,
sana,
CONJOiNED TWiNS na lang kayo (LOL.)..
***bakit ko alam?
wala lang.***
at, gusto mo pa, lagi kayong magkatext.
naiisip mo, kung pwede mo lang makontak ang network (globe, globe o globe)
ipapa-block mo ang lahat ng magtetext sa kaniya maliban sa'yo.
ang praning.
minsan, nakakahiya na ang ginagawa mo..
feeling mo MORAL ka pa rin.
HiBANG.
madalas pa nga,
napakasinungaling mo na.
at kapatid ng sinungaling ang magnanakaw.
kaya, lumalabag ka na sa ikawalong utos ng Diyos.
sinungaling?
sus.
OO.
magpapaalam ka kunwari..
"ma, gagawa lang kami ng project. kailangan ko ng 2000. gagawa kasi kami ng parol.
sa MOA lang naman.."
pero ang totoo, magde-date lang kayo sa SBARRO at Gbox.
sosyal.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
kapag nagkaroon ka na ng ka-relasyon,
aba.
PROUD!
kahit kamukha pa ni DiEGO ang girlfriend mo.
pagmamalaki mo sa mga kaibigan mo sa parlor at sasabihing kamukha sya ni piolo.
sus.
kahit pa dinaig pa ng girlfriend mo ang asim (maasim na mukha) ni madam auring,
pagyayabang mo sa mga kaibigan mo sa bilyaran na kamukha sya ni maui taylor.
tsktsk.
ganian talaga kabaliw ang mga tao.
syempre.
mahal nila eh!
at mas ok na na nagiging proud sila sa maling bagay,
kaysa naman nasa kanila ang tamang bagay pero hindi naman sila proud.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
at naku, naku.
ang LOVE LiFE sa highschool?
gagawin kang chinita.
mangingipis ang mata mo kakaiyak.
sa selos.
petty JEALOUSY.
makita mo lang pinulot nya ang hibla ng bohok ng maganda mong kaklase,
akala mo may nangyari na sa kanila.
at magfi-feeling ka naman na pag-aari mo sya't
susugurin mo ang magandang babae.
nakakahiya diba?
abnormal.
di ko pa naman yan ginagawa no.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
aba, aba.
at isipin mo pa to.
marami ang nagsu-suicide ng dahil sa pag-ibig!
akala mo wala ng buhay pagkatapos ng break-up.
sus maryosep.
nagkakamali ka.
tumingin ka nga sa mapa at tignan mo ang populasyon ng pilipinas!
ang dami pang tao sa mundo.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------
basta. maraming nakakalokang instances sa pag-ibig sa high school.
nakakabaliw.
kaya kung naalala mo
dyan
ang nakakabaliw mong kahibangan sa girlfriend/boyfriend mo.
sa'yo na lang.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
masaya rin naman makaranas ng ganitong pag-ibig.
kaso nakita mo naman.
nakakabaliw nga lang.
pero di bale.
at least, habang bata ka,
alam mo na ang kahihinatnan
at ang bigat ng masaktan.
ok un.
pag naging adult ka na, at least tolerated ka na sa sakit at mahina na lang ang tama sayo.
URi NG LOVE #6:
LOVE FOR GOD
simple lang.
basta kaya mong gawin ang mga naunang uri ng love,
plus gumawa ng mabuti,
mahal mo na si GOD nun.
:)