Dalawang taon na nang simulang sakupin ng mga black-lovers aka EMO ang mundo ng mga fashionista sa Pilipinas. Marangal naman silang naki-rumble sa world of FASHiON pero nakakalungkot isipin na nahirapan ang mga taong tanggapin sila sa lipunan.
Kapag sinabing "EMO", iisa lang ang pumapasok sa isipan ng tao: SUiCiDE. At galit na galit ang mga tao dito. Minsan, bukod sa suicide ay marami pang inaassociate sa fashion line na EMO. Narito ang mga ilan:
- Nangangapal na EYE-LiNER, kapag hindi pa nakuntento, pati labi nilalagyan ng EYE-LiNER.
- Mga bohok na nagsusumiksik sa mukhang binabalutan ng kung saan-saang piercing. Ang mga emo? Nahihiya malamang sa mukha nila. Nakakatawa.
- Damit na pwede mo nang paglaruan ng chess o chinese checkers.Kulang na lang. pati eyeballs iterno sa ayaw magpatalo na checkered apparels.
- Higit sa lahat, ang emo, wag mong masyadong kausapin. Hindi sila titigil na i-share sa�yo ang walang katapusang heartbreaking stories nila sa buhay. (Awwww.. Sad? Lol.)
Nabanggit ko na kanina ang tungkol sa SUiCiDE. Hindi naman siguro BAGO sa isip ng tao yan kapag narinig ang EMO. Isa sa mga kadahilanan ay dahil karamihan sa mga nagsu-suicide ngayon, ay mga avid fan ng ganitong fashion line (statistics says..). Mapapatunayan rin ito sa mga makikitang letrato sa internet kapag sinearch-in mo ang EMO: Laslas sa braso, BLADE, at kung anu-ano pang katuruan kung paano magpakamatay. HiBANG na mga tao.
Kung minsan, hindi ko rin maintindihan kung bakit nahumaling ang marami sa ganitong uri ng pananamit slash pag-uugali. Hindi naman maganda sa paningin pero tuwang-tuwa silang burdahan ang sarili ng ITIM. Nauso pa ang mga bandang tulad ng My Chemical Romance, na wala rin naming ginawa kundi sumigaw, magpa-cute (ha?), at lumikha ng mga lyrics na wala namang patutunguhan.
Mahilig ako sa itim. PERO HiNDi AKO EMO. Kaya ngayon, hindi ko rin magawa ang ilang mga gusto kong pananamit dahil ayaw kong mabansagang EMO ng bayan. Hindi ko matanggap na EMO ako? LOL. Hindi. BLACK looks good nga ika ni RAiN. At iyan din ang ika ko. Pero paano ko pa masusuot ang itim? Kung ang mga tao, makakita lang ng itim, EMO na agad ang naglalandslide sa isipan.
Sa kabilang banda, bagama't may sama ako ng loob sa mga FOUNDERS ng EMO VOGUE, nagtataka naman ako kung bakit sobrang apektado ang mga taong di naman dapat maapektuhan sa pagpasok ng mga EMO sa mundo ng mga tao. Bakit? Hindi naman sila killer ng ibang tao. Killer lang sila ng sarili nila (amp?). At lalong, anu naman kung nagkalat na sila sa mundo? Nawalan ka ba ng moral?
Ilan lamang ang mga sumusunod sa dahilan kung bakit galit na galit ang mga di maintindihan na tao sa EMO.
- Naiinggit sila. Gusto rin kasi nilang maging kasing-tanyag ng mga EMO.
- Nahihiya lang pero gusto na ring magpaka-EMO.
- Lover ng CUESHE. (wahaha)
- Pwede rin namang, nauunahan kasi silang magsuicide ng mga emo, at inggit na inggit sila sa iba't-ibang style ng pagpapakamatay.
- Siguro, talagang galit sila sa iTiM.
Sa kabila ng mga USELESS nilang dahilan, bakit ba hindi na lang kaya natin tanggapin ang mga emo sa mundo? Hindi naman sila pumapatay ng IBANG TAO bukod sa sarili nila. Hindi naman masamang makakita ng itim. Masaya naman MAG-CHESS at mag-chinese checkers. Napagkakatuwaan naman ang milyun-milyong piercing sa mukha. ORiGiNAL naman ang pakana nilang pag-KiWi sa bohok. At isa pa, maging makatao tayo..(ahemmmm..) TAO rin silang may titulo sa BiLL OF RiGHTS. Kaya, wag na tayong ma-bitter. ANG BiTTER ay para lang sa EMO. O, baka naman EMO ka kaya bitter ka? LOL.
EMOs have a place in this world. Kaya wag tayong magdamot. Kung gusto ba nilang magtayo ng Black Kingdom , bahala sila. Kung gusto ba nilang patakbuhin ang mga myembro ng My Chemical Romance sa senado, bakit hindi? Kung i-demand pa nilang gawing presidente si Miggy Chavez, bakit hindi? Malay mo, mapabilang pa tayo sa FiRST WORLD COUNTRiES ng dahil sa kanila. Hindi naman nila nature ang pangungurakot gaya ng presidente nating hindi naman EMO, diba? Kikita ang Marikina shoes at ilan pang mga imitators sa pag-gawa ng VANS chess board, este, CHECKERED sneakers.
Marami silang MAAARiNG maitulong. Basta pagbigyan lang natin sila. Kaya sila nagsu-suicide eh. Ayaw natin bigyan ng puwang sa mundo.