R
O
F
L
M
A
O
* yeah, i'm on the floor cackling my stupid aft out >:))
Hey ho, stranger! Navigations on your right. Hope you know RiGHT and LEFT, dear :)
♥ keliedoinggood.blogspot.com
- So folks, writing is my right.
- You are of your own opinion as well as i am of mine. But I don't need to hear yours coz' the hell would i care.
- Enjoy! ~
1:40pm, Tuesday. Nagtungo ako kasama ang nanay ko, ate ko, at isang nakababata ko pang kapatid sa NAIA para sunduin ang tatay ko mula sa Middle East. First time kong sumundo sa kamag-anak na on arrival mula sa ibang bansa. Pero kahit first time ko, wag mong asahang excited akong pumunta sa NAIA few days before that. Siguro may excitement, pero dahil lang darating ang tatay ko. Period.
pagtapak pa lang ng paa ko mula sa kotse, nagtatalak na ang nanay ko. Nakakatuwa daw sa waiting area sa NAIA kase may mga drama ang mga dumarating na pasahero at yung mga kamaag-anak nilang nag-aabang. Oh sige na nga. Eh pake ko naman kase sa drama nila, di ba? Ang akin lang kasi nung mga time na yun, makainom man lang ako kasi dehydrated na yata ako. =))
Nang makainom na 'ko, tinignan ko na ang mga excited na sitters sa waiting area. Maraming tao, siksikan. Makikita mo rin sa LCD na andaming booked flight na pauwing pinas. Siguro dahil kakadevastate lang ng bagyong Ondoy sa Pinas, nagworry na ang mga kababayan nating OFW sa mga kamag-anak nila dito kaya nagdesisyong umuwi. Pero ang tatay ko, natural na dapat siyang umuwi nung araw na yon kase kung hinde, kailan niya balak umuwe? HAHA.
Hindi kagaya ng sinabi ng nanay ko, wala namang mala"Tayong Dalawa" na drama sa waiting area. Ordinaryong Hi-Hello nga lang ang nakikita ko eh. So dahil hindi na ko natutuwa sa mga nakikita ko, umidlip ako. Nakakaantok kasi dun e? Isama mo pa yung amoy ng katabi kong nanggaling yata sa Bulacan na pumunta ng Pampanga, naligaw at napadpad sa Quezon tapos bumyaheng pa-Ilocos hanggang sa makarating sa NAIA. AMBAHO! May titindi pa ba sa amoy niya? Sana nagwisik-wisik man lang siya bago nagpunta dun sa airport. Knock-out ako, mga 30 minutes. Hanggang sa kinalabit ako ng nanay kong ecited na nakalapag na yata ang eroplanong sinasakyan ng tatay ko.
Adrenaline rush, kahit mabaho at nakakaantok at boring ang mga tao nung una sa waiting area, bumungad na ko sa mga rehas para kumaway sa tatay ko kung sakaling makita ko.
20 minutes, wala pa. 30 minutes, wala pa.
Hanggang sa magdecide akong umupo ulit malayo sa kinauupuan kong may mabahong lalake at may mga boring na tao. Kakaiba dito, bihis na bihis na ang mga babaeng naghihintay at kwela na ang mga tao. Bakit?
Una: may isang babaeng dumaan sa harap ko, madilaw na madilaw ang bohok na hanggang bewang, nakaminiskirt at sleeveless na parehong puti. May leg stockings na fish net ang style, may malalaking butas na tila umaayon sa batas na bawal ang fishnet na may small holes. Naka-high heeled stiletto na kung tatantyahin, mga 4inches (hiwalay pa ang makapal na base na umaalalay sa paa), at nangangapal na make-up na tandem ng silver and black. Japayuki ba siya? Hinde. Mukha siyang aprikana sa itim. Pero ang sinalubong niya? Maniwala ka o hindi, isang gwapong italyano.
Pangalawa: Isang babaeng may inaalalayang anak na nasa edad 3 lang sa tingin ko, ang nagmamadaling sumalubong sa asawa niya habang hinahatak ang batang nagmistulang stroller bag. Nakalimutan niya sigurong anak niya ang hatak niya.
Pangatlo: isang babae ang nakaupo sa tabi ko, kumakain ng bread mula sa kapirotti at sayang-saya s tamis ng tinapay na kinakain niya. Bongga niya dahil ang asawa niya pa na naggaling sa ibang bansa ang kumalabit sa kaniya sa waiting area. :))
At nakita rin namin ang tatay ko, na hindi ko agad nakilala dahil nag-iba ang kulay niya. Pero napangiti ako hanggang tenga.. tenga ng ate kong katabi ko ng mga oras na yun.
Masaya naman na nandito na siya sa Pilipinas ulet, kasama namin. May buong pamilya na ulit na kakain sa dining table namin. May FATHER na rin na magsisign sa mga survey form na dinadala ng ilang mga agent house to house.
MASAYA.
Ganun lang talaga. :)
Sunday, September 20, 2009
The TUHOG-TUHOG date :D
Oryt. Gets niyo? I know when TUHOG-TUHOG has been said, you'll remember FISHBALL in your mind. Tama!! Haha.
To come out of the real topic, I'll share something that really comes out my mind whenever hearing Fishball. Ü Way back High School, I have this buddy - we eat at the same time at school, review with each other (it isn't like the greenwich commercial, "sobrang cheeeeesy" ha. Haha!!) and all that, you know, best buddies do. But this stupid classmate of ours once opened to us we're like twins! Which 'til now I DO NOT ACCEPT. >:) Well, what's so FISHBALL about it? Darn, 'cause he used to call us Fishball-Squidball tandem.
Yeah, real nonsense. *LMAO.
Now here's the actual thing I'm gonna talk about. Babs and I went to the church yesterday, and like what people do there, celebrate the mass! =)) As well, to ask for guidance. For stronger relationship, di ba? Hahaha. There and then. Highlight na lang natin yung pauwi. Most teenies think cool ang fishball date. Well, sounds cheap and COMMON for me. Too sarcastic and too criticizing. Pero as we pass by the street side, nakakita ako ng Fishball stand. I've been craving for fishball for almost a week. Now, now's the time. :)) Ayun, nagdate kami sa fishball stand.
May beggar pa ngang bata, he was asking for a peso. I said "wala na kaming pera! Fishball na nga lang kakainin namin oh?" and he was still insisting after that. I said again "Sa tatay mo ikaw manghingi". Aba, aba! Sabi ba naman e, "akala ko ba wala kayong pera. Eh bakit bibili kayo?". Nagreklamo ka pa, kid. :))
Oh ayun. Too much for the tuhog-tuhog thing story telling. :D Bye for now!Ü
Monday, July 13, 2009
DRIPPINGLY SENTIMENTAL.
DRIPPINGLY SENTIMENTAL. Malalang kalungkutan. At for sure, may dahilan.
Hindi ako nakikipagusap ng seryoso sa mga taong hindi ko pa kinakikitaan ng sincerity sa ganitong bagay. Pero kanina, dahil hindi ko na makayanan ang loneliness, kinausap ko si toot toot na itatago natin sa pangalang MS.EXPERT. Dati ko pa siya nagiging kausap sa mga school matters, madalas ko siyang nakakasama pero I presume wala pang malalim na bagay ang naoopen saming dalawa. :)) Yeah, we talk but never about personal stuffs. I hardly trust anyone pagdating sa mga life's problems ko unless that someone proved to me na magaling siyang magtago ng sikreto and at the same time I can expect a HOME pag naglabas ako ng mga sama ng loob.
So I reversed the story muna. I have a special friend na sobrang lungkot kunwari, when in fact there isn't really that special friend 'coz the sad lass is nobody but me.
Then ayun. kwento.. kwentoooo.. OLA! Her turn to make me feel comfortable.
AKO : Nagbago kasi ako dun sa tao eh. Siguro kasi dahil busy siya, kaya hindi ako makakuha ng time para lambingin siya.
The content of her advice goes like this:
"Wag mo siyang sasanayin sa pagbabago mong nakakasakit sa kaniya. Kasi baka pag naisipan mong bumalik sa dati, hindi na siya matuwa kasi natabunan na ng sakit yung puso niya. Nakalimutan na niya yung panahong umaasa siyang babalik ka sa dati. tandaan mo, ang mga taong malakas ang pagkauntog, NAAAMNESIA. Kahit mga masasayang alaala, hindi matalo-talong pag-asa sa ibang bagay, pati naging masayang buhay niya makakalimutan. Magulo akong mag-advice pero alam kong may utak ka naman kaya maiintindihan mo 'ko. " Ü
NAKAKAINIS SIYA. Alam niyo kung bakit? Ang hirap tanggaping pwedeng TAMA yung sinasabi niya eh.
It is hurtful, and f***! Ayokong masanay, good lord. :'-( Ang sarap pa naman ng pagkain ko sa Sizzling Squid with Java Rice. SUCKER.
Nawala nga ako sa sarili ko kanina eh? Nagkita kami ni Justine Elegores sa sakayan ng jeep kanina, ewan ko bakit hindi ko siya nilapitan at sinabayan sa pagsakay. Naloloko. Amp.
---
Ganito kasi eh: MAGPANGGAP AKONG OKAY - Sasakyan nga ng mga taong okay ako. Walang balak magtanong kung kamusta ako. Aw. PAPAKITA KONG PROBLEMADO AKO - Maiinis ang mga tao sa 'kin. Magsisimula na 'kong mabaliw pag problemado ako.
Anung kulang sa 'kin? Hindi ako marunong magmanage ng problema sa maayos at less bulky na paraan. HAAAAAAY LIFE! It sucks but I have to go with it. isa pa, my mom would always say na hindi nagtatapos sa isang unovercame na problema ang buhay.
So mabuhay ako. LOL.
But I'll go SOB. :-(
Thursday, July 9, 2009
RT RT RT ko :)
RT = Random Thinking :)
Wala lang. Naisipan ko lang 'tong mga bagay na 'to ng sabay sabay. Malupit akong mag-isip eh, rapido utak ko ngayon kaya nakakadepress. Alam niyo yung STRESSED? Ako yun. XD
So let's have the ball rolling.
1. EMO SI MARA ANGELA YLAGAN AGUILA :D
MARA: (kumakain ng cerealicious) Wala na talagang way para sumaya ako.. :'( DETH: Anu ka ba, hindi mo ba alam na there is such thing as HOPE. May pag-asa pa! MARA: Eh wala na nga akong pag-asa.
Ayan. Bigla lang silang nag-usap ng ganyan eh? EMO nga kasi. >:))
2. Confident na si Asio! Apir!
MISS X: Okay, so si Mr. Birth Guerrero na ang President niyo. With (majority) votes. May chance pa rin naman si Yummy, with (2nd place) votes, for another positions. might as well Angelo with (3rd place) votes. ASIO: Hanep gelo! Kung may vice vice president pwede ka na.
* ... WEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEH? *
MISS X: Now we open nominations for VP. ANGELO: I respectfully nominate Kevin Asiones for VP. ASIO: Wag! Wag naman ganyan! Wag mo 'kong inominate. BAKA MANALO AKO! >:))
3. Si JC at AUDREY sa Mr. AMV! :))
Ewan ko kung sila eh. Basta gusto ko sila. Chix ko kasi si Audrey eh. HAHA Joke. Saka papalicious naman ang dating ni JC. So there, bigla lang pumasok sa utak ko yan. xD
4. ERASER SA HOOD NI ANGELO
Grabe naman kase mga lalake pag nagtrip eh? So si Angelo, the jacket-ive, call centerish boy, ang napag-initan nila. Naglagay sila ng eraser sa hood ni Gelo. Ewan ko bakit di namalayan ni Gelo eh, oh baka sinakyan niya na lang para uso na siya. :D Ayun, palakad lakad siya sa pasilyo may eraser sa hood. Nung magtatapon na siya ng basura, yumuko siya sa basurahan siyempre para buksan yung basurahan. Yung trash can kasi nasa ilalim ng white board. So pagyuko niya, yung eraser sa hood niya nalaglag sa ulo niya. Gulat siya. Sabay sabing.. "Ay! Nasa taas pala ng board yung eraser eh!"
AY TANGA.
Wala lang. Mas masaya pag makikita yung eksaktong eksena. :)
5. Usapang LSS -_-
Nag-open kasi ako na na-LSS ako sa I SWEAR na naging OST ng Just Friends. So ayun. Usapang LSS na. Na-LSS si ganito sa ganitong kanta kanina, si ganito naman sa ibang kanta kahapon..
Hay buhay. Nakiuso sila sa trend ko eh :)) 6. I'm so smart! --> Hindi ako aware dyan :))
hindi talaga ako aware. Kasing unaware ng pagiging antukin ko. Eh kasi naman sa lahat ng klase ko ata walang oras na hindi ako makakaramdam ng antok. Ayon. So naglelesson ang paborito kong propesor na si FOE. Habang ako, doodling and lettering galore sa mga scratch paper s adesk ko. Hindi ako nakikinig masyado in short, though inevitable na na marining ko pinaguusapan sa klase.
FOE: If this painting of a carabao shows that the carabao is a FEMALE carabao, what type of painting is it? ANG BUONG KLASE: *Tahimik..* ANG EPAL NA AKO: Figure Painting! (hindi naman sure. maka-epal lang. sinigaw pa eh. bebengga ko pag mali. haha!) FOE: Very good!
Aw. Shocked ako eh. Basta nadaanan lang ng mata ko the day before that yung FIGURE PAINTING sa handout na binigay sa klase. Buti na lang yung mata ko kung saan saan dumadaan. :))
5. At the same time, tanga ako. :)
Ewan ko ba bakit ang hilig ni Foe sa painting na may carabao. Porket ba national animal sa Pinas yun. >:))
Edi tinanong niya kami anu yun. Sumagot ang klase in chorus .. "KALABAW!"
Maliban sa isa..
LEE: Kabayo!
Ay tanga. :))
6. MISS KO NA SI JEEEEEEEEEYBI :( ---
Ayun lang. Walang kwenta. May mai-post lang. HAHA
Thursday, July 2, 2009
Hum1 at si Foe :D
"So Mr. XXX, are you able to appreciate every art you see? If so, how do you think about a straight line?.." "Oh really, nothing, huh? You're a certifiable BOBO!"
"So if I place my foot up here, nearer to you, what looks bigger now? My foot or my face? Of course my foot, 'coz the shit's on your face!"
Ayan. Unawain ang katotohanang nakakaloko ang magkaroon ng teacher na Amerikanong hilaw, slash bading. :D Ngayon ko lang din naranasan eh? Pasalamat ako. May marami akong tawa kapag 11:45 to 1:15 tuwing Martes at Huwebes.
Matagal ko na ring naririnig na kwela ngang prof 'tong si Mr. Foe. Eh malay ko ba, wala akong interes kaya nasasabi ko lang nun na baka kaya feeling nila kwela si Foe kasi first time din nilang magkaroon ng Amerikanong hilaw, slash bading na prof. Uso naman ang magsabi ng "I proved myself wrong" eh. So yeah, I proved myself wrong nga. Nakakatuwa pa 'tong si Foe pag tumutuwad sa ilalim ng mesa para kunin ang nahulog na marker o ballpen o kung anu mang naihulog niya. Imba nga kasi. >:)) Pero promise, pag nagjojoke ang Amerikanong hilaw, slash bading na prof, pure english. Kaya kung illiterate ka *ahemmm.. ang yabang ko ba? haha!*, mahihirapan kang magets yung joke ng Amerikanong Hilaw, slash bading na prof.
"Kaylee (Kelly)?" - Foe
Oh 'di ba. Bihira lang may slang ang pangalan ko! >:))
Basically, hindi naman na bago sa 'kin ang kwelang prof. Si Sir Pacquing palang eh? Ang lalaking hinugutan ng tadyang 25 times. Oo, sobra ng isa tadyang nun eh. >:)) Punyenyenye yun, hindi ko alam kung pinaglihi sa kinikiliting ewan eh.
CLASSMATE X: Sir, ibig niyo ho bang sabihin, si Aristotle at St. Thomas Aquinas may conflicting ideas? PACQUING: Oo. CLASSMATE X: Since si David Hume at si Aristotle may somewhat same ideas, edi may conflict din po sila ni St. Thomas? PACQUING: Ewan ko. Hindi pa sila nagmeemeet eh. >:))
So far, dalawa sila sa College of Accountancy na mahal na mahal ko na. Kaya nga pinili ko si Foe na adviser namin ngayon eh, nung election. Wala lang, iniisip ko para masabi ko namang anak ako ng Amerikano. Haha! Manalaytay sana sa dugo kong blue na american na din ako. :D
So there. Paepal na blog entry lang.
MABUHAY KA, FOE! :D
Saturday, June 27, 2009
Nerdy talk :D
Umagang umaga. Nasa trip kaming mga bata. :))
Required: Makahanap ng isang painting na kakikitaan mo ng explainable art. Sa kahit anung museum.
Usapan: *Isang text mula kay Jevilyn* 8am dapat nasa UST na aa. Patay ang mali-late! Text text na lang, pag nandun na lahat, tuloy na sa museum.
Ang tunay na naganap: Ako nasa school na 7:45 pa lang. Dang came five to 8am. Si Mara naman, mga 8-quarter. At si Jev? 8:40. :)
Dahil sa paghihintay ko, tinamaan ako ng matinong trip. Open for random nerdy talk there! Present naman si Mara eh, so may kasabayan sa kalokohan. And speaking of presence, hindi na naman namin nakasama si Deth, sadly. Nagpunta na siya sa Yuchenco Gallery eh. May kasama yatang itatago natin sa pangalang "JENYUD". Haha! =P
Okay. So eto na ang naging nerdy talk namin.
---
MARA: So si Maika na talaga yung may A(H1N1) sa 2a3? AKO: Oo, siya lang naman yung tinetest eh. >:)) JEVILYN: Nagtext nga siya sa 'kin eh, "I'm positive for A(H1N1)" daw. DANG: Oh? Wala akong nareceive na text niya. AKO: Ako din eh. JEVILYN: Pati nga yung stat niya sa Y!M eh, "I'm sorry guys". Kasi nga 'di ba dahil sa case niya nasuspend tayo. AKO: Sa inyo lang siya nagsosorry. Masaya ako sa suspension. >:))
MARA: Siya pa naman yung laging may alcohol 'no? Ang linis linis niya sa katawan. Buti na lang marumi ako. >:)) AKO: Para pag nagkaswine flu ka, hindi ka magtataka. Tanggap mo kasing madumi ka eh. Haha. JEVILYN: Eh ako, seatmate ko pa si Maika. Tsk. MARA: Wag kang mag-alala! Madumi ka din naman eh. HAHAHA
MARA: Madali naman palang gumaling ang swine flu eh? Magaling na kasi si Maika. AKO: Pag A(H1N1) ba swine flu agad? MARA: Pambaboy lang swine flu noh? Bakit kaya associated na rin sa tao. AKO: Baboy na mga tao eh. MARA: Mali, tao na rin ang mga baboy. AKO: Okay. >:)) DANG: Hindi naman kasi deadly yung A(H1n1) masyado. AKO: Hindi kagaya ng SARS, pag tinamaan ka patay ka na agad. MARA: Patay talaga agad? Haha. JEVILYN: Eh 'di ba may namatay na daw na may case ng swine flu? AKO: Eh susme! Napakaraming anik anik sa katawan nung nilalang na yun eh. May Tuberculosis nga yun eh. And ayon sa medical investigations, cardiac arrest yung kinamatay. So may heart ailment din siya. May swine flu lang, yun na agad sinisi. DANG: Baka it aggravated dahil sa swine flu kaya lahat ng disease na meron siya, lumala.
-- Nahati ang grupo ng mga nerds. Jevi and dang at the back. Ako at si Mara, nasa unahan ng walkathon papuntang UST-CFAD Building --
MARA: Panu kaya sila nakasigurong swine flu kinamatay nun? Siguro bago mamatay yun, nagsalita yun. (voice tone: naghihingalo) "Mamamatay ako dahil sa swine flu. Ngayon na ngayon na!" AKO: Hahahahahahaha! Malay mo naman sabi ng virus sa katawan niya siya ang papatay sa victim na yun. MARA: (voice tone: matinis, maliit. parang alien :D hahaha) "Ako ang papatay sa 'yo! Ako ang magiging dahilan ng pagkamatay mo! Bwahahahahahahaha! *evil laugh pa*." AKO: Buti hindi umapila yung Tuberculosis niya? MARA: (voice tone: malalim) "Anung ikaw? Epal kang swine flu ka. Ako ang papatay sa taong 'to!" umapila kaya. Maghintay ka kase. Hahahaha. AKO: Nag-away tuloy sila. Tsk. Ako na lang papatay dun sa babae, para maiba yung storya. HAHAHA! :)) MARA: Tapos may heart ailment din siya 'di ba? Umapila din yun. :D AKO: So nag-gera pala sila? Haha. MARA: Kaya namatay yung babae. Nag-gera kasi mga virus at yung mga chorva niya sa katawan. Hahaha.
-- PART2: Papasok na sa Thesis Gallery ng CFAD --
MARA: Hala! Baka No ID No Entry yan! HalaAaaAaAaaAaaa! AKO: Nako bakit? Wala kang ID?
MARA: Meron. :P
-- PART3: Sa National Art Gallery na. --
MARA: (papasok sa elevator) nakaaaa! (sumara ang elevator) Ayaw kong sumasakay ng elevator eh. (umaakyat na yung elevator) Nakakahilo.
DANG: (sa 3rd floor na) tara balik tayo. >:))
AKO: Hingi tayo ng tulong mahihimatay ka na eh. (pipindutin yung emergency button)
JEVILYN: Hoy waAaAaaaaAag! (todo pigil. kala mo pipindutin ko talaga eh. hahaha)
-- PART4: Tinitignan yung painting ni Felix Hidalgo --
AKO, DANG, MARA: (nakatitig sa painting) ... JEVILYN: (mula sa kalayuan, nakisali) Ang ganda! (pero kakatingin niya lang. as in kakalingon niya lang ANG GANDA agad ang nasabi niya. hahaha)
---
Okay. Mahirap makarelate sa kalokohan namin. Kasi naman, mas maganda kung nakikita't naririnig niyo kami eh. Haha!
Ayun. Nagpunta kami sa isang museum eh. Tumingin ng mga painting. Tumingin lang talaga. Hindi naman kami nakaappreciate eh. Hindi kasi kami mga artist. Kunware nagegets namin yung abstraction sa mga paintings :))
So there, unawain niyo sanang mga nerdo kaming tao. Oo, hindi uso. Eh so what. Kinikilig buong parte ng katawan namin pag nagiging nerd kami eh. Haha!
Morale:Wala. Wala namang matinong nangyari nung araw na yan eh. At wala rin kasi kaming MORAL. Hahaha. Kidding here.
The END. :)
Thursday, June 25, 2009
Ako mismo :D
So matagal ko na talagang gustong magregister dito, kaso madalas kong nakakalimutan kasi saglitan na lang akong nakakapagPC at nakakapagnet. Pero dahil sa isang post bigla kong naalala ang akomismo.org kaya ayun, register na! :))
Ang haba pa ng intro nung site, skip intro na 'ko.
Sabay, IKAW? Ano mismo ang gagawin mo? Hahaha. Edi napaisip ako kung anung gagawin ko. Lalagay ko sana mag-aaral na 'ko sa accounting eh. Kaso kailangan ata maypagkanationalist. HAHA :)) Ayun.
Parang plurk lang yung interface ng akomismo. So user-friendly naman siya, as I see.
Binasa ko lahat ng commitments ng mga akomismo members. May mga serious, malalim, plastik at may mga sagad-sagarang wala lang yata. Masabi lang na nagregister :D
Gaya nung "Ako mismo basta yun na yun". Saya niya eh :))
Nagpost na din ako ng commitment ko. At nilagyan ko ng akomismo dog tag. Pagkakita kong nagsi-slide na yung commitment ko, naaliw ako. Kaya naglagay pa 'ko ng isa pang commitment. Oh tama na ang dalawang commitment sa isang araw. Mahirap na maging OA. Heheee..
So yun. Basically, ang point ko lang dito is AKOMISMO MEMBER NA 'KO. Saya ko, 'no? Haha.
` T A T S Me :)
Baaa~! Hear thigs about the odd human being who named herself Lee.
So I've been posting things about me here for so long,
but I guess people just judge you however they want; not by who you are.
Lee, 17
15 June, 1992
University of Santo Tomas
I am a daughter, sister, friend and a stranger as well.
I am as well imperfect, likewise a man of limitation.
I don't force you to like me but you must not hate me just by this. WE ARE EQUAL, as what a famous saying goes.
yes, im a sweet tooth, i love sweets to death. >
I am a biggggg fan of hailey williams. and I'm a lover of rock, acoustic and RnB music as well.
I seem to think i am extremely hot. xD
I paint, i play instruments, and i write.
Though I am not perfect, I do things in my perfect way.